Kinilala ni P/Supt. Florencia Divinagracia ang Koreano na si Jun Po Kim, 37, ng Inchon City, Seoul, South Korea.
Ayon kay Col. Divinagracia, si Kim ay isang security site manager ng Inchon Airport sa naturang bansa.
Nakumpiska buhat sa suspect ang 13 sticks ng marijuana na itinago at inihalo sa kaha ng sigarilyong Dunhill.
Sa isinagawang imbestigasyon, si Kim ay nakatakdang bumalik sa Seoul sakay ng Philippine Air Lines flight PR 468 dakong alas-8:30 kahapon ng umaga nang maaresto ng mga awtoridad.
Kasalukuyan umanong nagsasagawa ng security check si Brixton Altura, isang non-uniformed personnel (NUP) kay Kim nang makapa ng una ang kaha ng sigarilyo sa kanang bulsa ng pantalon ng pasahero.
Dahil sa paghihigpit na ipinatutupad sa NAIA, pinabuksan ni Altura ang naturang kaha at nang itoy buksan ni Kim, tumambad ang 13 binalot na marijuana na nakahalo sa sigarilyo. (Ulat ni Butch Quejada)