^

Metro

Korean national tiklo sa marijuana

-
Isang paalis na Korean national ang pinigil ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport Centennial Terminal 2 dahil sa pag-iingat ng marijuana.

Kinilala ni P/Supt. Florencia Divinagracia ang Koreano na si Jun Po Kim, 37, ng Inchon City, Seoul, South Korea.

Ayon kay Col. Divinagracia, si Kim ay isang security site manager ng Inchon Airport sa naturang bansa.

Nakumpiska buhat sa suspect ang 13 sticks ng marijuana na itinago at inihalo sa kaha ng sigarilyong Dunhill.

Sa isinagawang imbestigasyon, si Kim ay nakatakdang bumalik sa Seoul sakay ng Philippine Air Lines flight PR 468 dakong alas-8:30 kahapon ng umaga nang maaresto ng mga awtoridad.

Kasalukuyan umanong nagsasagawa ng security check si Brixton Altura, isang non-uniformed personnel (NUP) kay Kim nang makapa ng una ang kaha ng sigarilyo sa kanang bulsa ng pantalon ng pasahero.

Dahil sa paghihigpit na ipinatutupad sa NAIA, pinabuksan ni Altura ang naturang kaha at nang ito’y buksan ni Kim, tumambad ang 13 binalot na marijuana na nakahalo sa sigarilyo. (Ulat ni Butch Quejada)

ALTURA

BRIXTON ALTURA

BUTCH QUEJADA

FLORENCIA DIVINAGRACIA

INCHON AIRPORT

INCHON CITY

JUN PO KIM

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT CENTENNIAL TERMINAL

PHILIPPINE AIR LINES

SOUTH KOREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with