2 PBA players sugatan sa aksidente
September 14, 2001 | 12:00am
Dalawang player ng Philippine Basketball Association (PBA) ang nasugatan nang banggain ang kanilang sinasakyan ng isang aircon bus, kahapon ng madaling-araw sa Roxas Blvd., Pasay City.
Kinilala ang mga biktima na sina Davonn Harp, isang Filipino-American at Mike Pennisi, isa namang Filipino-Italian, forward at center ng Red Bull Thunders, na naging kampeon sa nakaraang Commissioners Cup ng PBA.
Nagtamo ng gasgas at pasa sa katawan ang dalawang players at nasa maayos nang kalagayan.
Base sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-12:15 kahapon ng madaling-araw, lulan ng kulay itim na Expedition na may plakang WPD-682 ang dalawang cagers habang binabaybay ang flyover ng Buendia sa Roxas Blvd. patungong Maynila at nakasunod sa mga ito ang isang Vergara bus liner na may plakang DVU-248 na minamaneho ng isang Felix Sanchez Jr., taga-110 Bilibiran, Binangonan, Rizal.
Napag-alaman na katatapos pa lamang maghatid ng bus ng mga pasahero sa US Embassy at hindi nakontrol ng driver ang preno kayat nabangga ang sasakyan ng dalawang basketball player.
Nalaman pa rin na ang nabanggit na sasakyan ay pag-aari ni Harp at nawasak ang bandang likuran nito.
Mabilis na naipreno ni Harp ang kanyang sasakyan subalit nasaktan pa rin ang dalawa sa loob. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended