Pulis inireklamo ng pambubugbog sa live-in-partner
September 14, 2001 | 12:00am
Posibleng masibak sa kanyang tungkulin ang isang 36-anyos na pulis matapos na barilin niya ang kanyang sariling ama na umaawat lamang makaraang makita nito ang ginagawa ng anak na pambubugbog sa kanyang live-in-partner.
Nagtungo kahapon ng umaga ang halos hindi na makilala dahil sa mga pasa sa mukha ang biktimang si Gemma Hernandez, 23 at ipinagharap ng reklamo ang kinakasamang si PO3 Hilario Reyes, nakatalaga sa Traffic Management Group (TMG) ng bayan ng San Juan.
Bukod dito, nagreklamo rin ang ama ng pulis na si Felix Reyes, 59, empleyado ng Mandaluyong City Hall.
Base sa ulat, sinabi ni Hernandez na naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa loob ng kanilang bahay nang dumating ang pulis na si Hilario na lango sa alak at sabog sa droga. Narinig na umano niya ang pagmumura nito.
Dahil sa takot na baka saktan siya ay hindi niya binuksan ang pinto na lalong ikinagalit ng suspect. Dahil dito, puwersahang sinalya ng pulis ang pinto at nang mabuksan ay mabilis siyang nagtago.
Nang makita siya ng pulis ay sobrang pananakit ang kanyang natamo, tutubuhin pa umano siya nito nang makialam na ang ama ng suspect na umawat.
Sa halip na sumunod sa ama ay nagalit pa ang pulis sa ama na pinaputukan ng baril subalit masuwerte namang hindi ito tinamaan. waland habas pa itong nagpaputok ng baril.
Agad namang nagresponde ang mga kagawad ng pulisya at dinakip si Hilario. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended