^

Metro

Rape-slay victim natagpuan sa ilalim ng MRT

-
Isang hindi pa nakikilalang babae na pinaniniwalaang hinalay muna bago pinatay ang natagpuan kahapon ng umaga na hubo’t hubad at naliligo sa sariling dugo sa ilalim ng Metro Rail Transit (MRT) sa may SM North sa EDSA, Quezon City.

Ang biktima ay tinatayang nasa gulang na 20-25, kayumanggi, balingkinitan ang katawan at hanggang balikat ang buhok. Ito ay nagtamo ng malalalim na sugat sa ulo na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Nakatali rin ang mga kamay nito sa likuran sa pamamagitan ng pulang tali.

Bukod dito, sinakal din ng pulang tela ang biktima.

Base sa isinagawang imbestigasyon, natagpuan ang nasabing biktima dakong alas-5:45 ng umaga ng isang street sweeper ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa nasabing lugar.

Narekober din malapit sa bangkay ng biktima ang isang tubo na hinihinala ng pulisya na ginamit sa pagpatay sa biktima.

Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

BUKOD

ISANG

JHAY MEJIAS

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

METRO RAIL TRANSIT

NAKATALI

NAREKOBER

QUEZON CITY

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with