^

Metro

Marikina City may sariling dumpsite

-
Ibinulgar ng Marikina City na isa na rin sila sa mga lungsod sa Metro Manila na hindi na umaasa pa sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pangongolekta ng basura dahil sa pagkakaroon din nila ng sariling dumpsite.

Sinabi ni Gloria Buenaventura, hepe ng Waste Management Office na may inaasahan silang dalawang ektaryang controlled dumpsite sa may Doña Petra, Barangay Concepcion na kanila na ring binakuran upang hindi mapasok ng mga scavengers.

Ayon sa kanya, ilan umano sa mga scavengers na ito ay kanila nang ginawang mga regular na empleyado ng City Hall bilang mga mangongolekta ng basura.

Tinuligsa rin ni Buenaventura si MMDA Chairman Benjamin Abalos sa pagpapalabas umano ng impormasyon tungkol sa balak na paggamit sa Rodriguez dumpsite kahit na hindi pa nakukumpleto ang proyekto.

Ang pagmamalaki umano nito ni Abalos ang naging dahilan ng pag-aalsa ng mga residente kaya muli na namang nabimbin ang pagkakaroon ng permanenteng dumpsite sa Metro Manila. (Ulat ni Danilo Garcia)

ABALOS

BARANGAY CONCEPCION

CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

CITY HALL

DANILO GARCIA

GLORIA BUENAVENTURA

MARIKINA CITY

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

WASTE MANAGEMENT OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with