^

Metro

LTO official sangkot sa sindikato, sinibak sa puwe

-
Sinibak na sa puwesto ni Land Transportation Office (LTO) Chief Edgardo Abenina si LTO-National Capital Region (NCR) director Danny Mangila matapos na umano’y malaman na ang huli ang tumutulong sa International Hong Kong Triad upang mairehistro ang mga puslit na sasakyan sa bansa.

Nabatid na nagkaroon muna ng masusing imbestigasyon ang mga tauhan ni Abenina sa bintang kay Mangila bago isinagawa ang pagsibak dito sa puwesto.

Wala pa namang nakukuhang kapalit ang LTO para ilagay sa puwesto ni Mangila. Si Mangila ay dating Executive Asst. ni ex-LTO chief Manuel Bruan bago naupo bilang NCR chief noong panahon ni dating LTO Chief Benjamin Calima.

Kaugnay nito, binalaan naman ni Abenina ang kanyang mga tauhan na sisipain sa puwesto at malamang kasuhan kapag napatunayang nagkasala sa batas. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ABENINA

CHIEF BENJAMIN CALIMA

CHIEF EDGARDO ABENINA

DANNY MANGILA

EXECUTIVE ASST

INTERNATIONAL HONG KONG TRIAD

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MANGILA

MANUEL BRUAN

NATIONAL CAPITAL REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with