^

Metro

Mandaluyong PNP station pinasok ng 'Salisi Gang'

-
Muntik nang maisahan ng isang lalaking miyembro umano ng ‘Salisi Gang’ ang buong kapulisan ng Mandaluyong City matapos na pasukin nito ang loob ng police headquarters at tumangay ng P7,120 halaga ng salapi at mga alahas habang nagsasagawa ng flag-raising ceremony ang mga pulis, kahapon ng umaga.

Subalit hindi tuluyang nakatakas ang suspect na si Melchor Mendoza, may asawa, pintor, ng #117 Victory St., Brgy. San Perfecto, San Juan, nang agad itong dakpin ni SPO4 Carlos Magat, hepe ng Warrant Section habang papalabas na ito ng istasyon.

Sa ulat ni PO3 Roberto Eugenio, imbestigador, kasalukuyang nagsasagawa ng flag-raising ang mga pulis at mga empleyado ng Mandaluyong City Hall dakong alas-7 ng umaga nang pumasok ang suspect sa bukas na pintuan sa likuran ng istasyon.

Nabatid na nagkunwaring kukuha ng Police Clearance ang suspect at nang mapansing walang tao sa loob ng headquarters ay agad na pumasok sa opisina ng Department of Interior and Local Government (DILG), Operations Department at Public Community Relations (PCR) department.

Dito tinangay ng suspect ang wallet na pag-aari ng civilian employee na si Eliza Lim ng Operations Dept. na may lamang P1,000 at ATM at visa cards; bag ni PCR civilian employee Salve delos Trinos na may lamang P620, credit card at Russian diamond ring na may halagang P5,500.

Palabas na ito sa PCR office nang masalubong ito ni SPO4 Magat na nabatid ang ginawang pagpasok ng suspect sa kanyang opisina at agad nitong dinakip si Mendoza.

Naibalik ang mga ninakaw mula kay delos Trinos ngunit hindi naman narekober sa suspect ang nawalang pera at gamit ni Lim na pinaniniwalaang ibinigay nito sa isa pang kasamahan na inaalam pa ng pulisya. (Ulat ni Danilo Garcia)

CARLOS MAGAT

DANILO GARCIA

ELIZA LIM

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY HALL

MELCHOR MENDOZA

OPERATIONS DEPARTMENT

OPERATIONS DEPT

POLICE CLEARANCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with