Obrero nahulog mula sa 21 palapag dahil sa balat n
September 11, 2001 | 12:00am
Isang 34-anyos na construction worker ang nasawi matapos na matapakan ang isang balat ng saging at pagkatapos madulas ay nahulog buhat sa ika-21 palapag ng ginagawang gusali sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.
Ang biktima na hindi na umabot pang buhay nang isugod sa East Avenue Medical Center ay nakilalang si Arnulfo Genorio, residente ng Barangay Holy Spirit,Quezon City. Binanggit na nagkabali-bali ang buto ng biktima bukod pa ang malalim na sugat na tinamo sa tiyan matapos matusok ng bakal.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon sa construction site ng Olympic Tower Building sa Tomas Morato.
Ayon kay PO2 Rogelio Esteves, katatapos pa lamang mananghalian ng biktima at pabalik na ito sa kanyang trabaho sa ginagawang gusali nang matapakan ang isang balat ng saging.
Nawalan ng balanse ang biktima hanggang sa mahulog buhat sa ika-21 palapag. Tumama ang katawan nito sa mga nakausling bakal bago tuluyang lumanding sa ibaba. (Ulat ni Matthew Estabillo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended