10 pulis-Pasay sinibak
September 10, 2001 | 12:00am
Sampung pulis sa Pasay City ang sinibak sa kani-kanilang puwesto dahil sa kasong pangongotong.
Sa naging direktiba kahapon ni Supt. Alejandro Gutierrez, hepe ng Pasay City Police ang mga sinibak ay nakilalang sina PO1s Ismael Gadia; Erick Naz Necodemus; PO2s Rogiwil Brooks Alabado; Efren Abad; Elmer Dimaculangan; PO3s Rosalina Loria; Jose Anaz; SPO1s Alberto Alabado; Enrico Sumaway at SPO2 Ernesto Reyes, pawang mga nakatalaga sa Drug Enforcement Unit (DEU).
Ang nasabing mga pulis ay tinanggal sa nasabing unit at itinalaga ang mga ito sa bawat presinto.
Sa naging hakbangin ni Gutierrez laban sa 10 pulis ng DEU ay bunsod sa mga reklamong natanggap ng National Capital Region Office (NCRPO) at Southern Police District Office (SPDO) hinggil sa umanoy pangingikil ng malaking halaga ng pera sa ilang nahuhuli ng mga ito sa kasong illegal drugs.
Nakadagdag pa rin sa pagsibak sa 10 pulis ng DEU dahil sa pagkakaaresto sa isang bagitong pulis na si PO1 Michael Pascual sa isang entrapment operation na isinagawa ng NCRPO kamakailan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended