^

Metro

WPD headquarters nilusob ng may 1,000 Muslim

-
Nasorpresa ang mga kagawad ng Western Police District nang lumusob ang may 1,000 Muslim sa headquarters ng nasabing himpilan sa United Nations Avenue, Ermita, Maynila habang bitbit ng mga ito ang bangkay ng isang 17-anyos na estudyante kasama ang sugatang 8-anyos na batang lalaki na tinamaan ng ligaw na bala sa hita na umano’y mga biktima sa naganap na shootout sa pagitan ng awtoridad at hinihinalang mga pusher, kamakalawa ng gabi sa loob ng Islamic Center sa Carlos Palanca St., San Miguel, nasabing lungsod.

Pinangunahan nina Ayub Khan Salipada, barangay kagawad at si Alim Abduljamid Goling ng Islamic Center ang isinagawang pagpipiket ng may 1,000 Muslim sa harapan ng nasabing headquarters.

Isinisigaw ng mga ito ang walang pakundangang pagkakapatay ng mga pulis kay Andal Mastura, 3rd year high school sa Ramon Avanceña High School na nadamay sa naganap na shootout dakong alas-7 ng gabi sa loob ng nasabing Islamic center.

Bukod sa mga Muslim ay kasama ang mga estudyante at ang mga kaklase ni Mastura na humihingi ng katarungan kay WPD-director Chief Supt. Nicolas Pasinos Jr. dakong alas-2 ng hapon nang simulan ang rally kasama ang sugatang batang si Arnold Yusop, na tinamaan ng ligaw na bala sa kanang paa.

Anila, bago man lamang ilibing si Mastura ay kinakailangang maimbestigahan ang mga pulis na may kaugnayan sa naganap na barilan sa loob ng Islamic center.

Nauna rito, ayon na rin sa ulat ng Carlos Palanca Police Community Precinct Station 8, habang nagsasagawa ng patrulya ang mga kagawad ng pulisya ay namataan nila ang suspect na si Ramil Magomon na may katawagang Jamel Datukunug, 28, na umano’y malaking tulak ng shabu sa loob ng Islamic.

Nang kanila itong sitahin ay nanlaban umano ang suspect na armado ng baril at agad na tinamaan si PO3 Frederick Chua, 36, kaya walang patumanggang iwinasiwas ang dalang armalite. Tinamaan dito si Magomon na nagtamo ng 13 tama sa katawan.

Inakalang nilulusob na sila ng hindi nakikitang kaaway, nagpaputok ng armalite si Chua at ang ilan nitong tauhan sa iba’t ibang direksyon na nagresulta upang tamaan ng ligaw na bala ang mga biktima.

Ipinapakita naman sa mga mamamahayag ni Khan ang mga narekober nilang mga slug mula sa malalakas na kalibre ng baril.

Naniniwala si Khan na walang naganap na barilan at posibleng ang nasugatang pulis ay mula rin sa kanilang kasamahan.

Hiniling ng mga nagraraling Muslim na ipasailalim sa ballistic examination ang mga pulis at mga napatay upang mabatid kung sinu-sino ang mga nagpaputok ng baril.

Bandang alas-3:30 ng hapon nang umalis sa kanilang puwesto ang mga ralista matapos na personal na makipag-ugnayan ang mga opisyal ng WPD kabilang sina Supt. Elmer Jamias, hepe ng WPD-Station 5 na nakakasakop ng UN at Supt. Raffy Corpuz ng WPD-Headquarters. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ALIM ABDULJAMID GOLING

ANDAL MASTURA

ARNOLD YUSOP

AYUB KHAN SALIPADA

CARLOS PALANCA POLICE COMMUNITY PRECINCT STATION

CARLOS PALANCA ST.

CHIEF SUPT

ELLEN FERNANDO

ISLAMIC CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with