Malonzo, iba pang opisyal sa Caloocan, naproklama
September 7, 2001 | 12:00am
Matapos ang mahigit sa tatlong buwan na kaguluhan sa pulitika, inaasahang babalik sa normal ang Caloocan City ng opisyal nang mai-proklama si Mayor Reynaldo Malonzo at iba pang opisyal, kamakalawa ng gabi.
Subalit hindi naman kasamang naproklama si dating konsehal Edgar "Egay" Erice na tumatakbong congressman ng ikalawang distrito at apat pang konsehal, tatlo dito ay buhat sa District 1 at isa sa District 2.
Ang pagkakaantala ng proklamasyon ng iba pang opisyal ay dahilan sa hindi pa tapos bilangin lahat ng statements of votes at kailangan pang muling bilangin.
Pinangunahan ni Metro Manila Commission on Elections (COMELEC) director Ferdinand Rafanan, chief ng City Board of Canvassers ang pagpoproklama kay Malonzo, Tito Varela at iba pang opisyal dakong alas-11:30 kamakalawa ng gabi.
Kabilang din sa mga naproklama sina Konsehal Susana Punzalan, Isaac Domingo, Eduardo Rosca, Teben Cunanan, Benedicto Gonzales, Dennis Padilla, Tino Bagus at Alex Aruelo. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am