^

Metro

Aburidong 'adik' nagpakamatay

-
Isang 43-anyos na lalaki na hinihinalang nasa impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot ang nagpatiwakal sa pamamagitan nang pagbibigti, kahapon ng madaling araw sa Pandacan, Maynila.

Kinilala ni WPD-Homicide chief Juanito Taluban ang nasawing si Florentino Agustin, ng 272 Bldg. 10, Bagong housing Project, Zamora, Pandacan.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-5:30 ng madaling araw ng matagpuan ang bangkay ng nasawi sa loob ng kanyang kuwarto habang nakapulupot sa leeg nito ang isang nylon cord.

Isang oras bago naganap ang pagpapatiwakal ay ginising umano ni Agustin ang kanyang asawa at pilit na pinalabas ng kanilang kuwarto.

Makaraan ang isang oras ay bumalik sa kuwarto ang misis nito at doon natuklasan ang ginawang pagbibigti ng kanyang mister.

Isang suicide note ang iniwan ng nasawi na nagsasaad ng paghingi niya ng tawad.

Hinihinala naman na bukod sa sinasabing lulong ito sa ipinagbabawal na gamot ay desperado na rin ito dahil sa kawalan ng pera na ipantutustos sa lima nilang anak.(Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

AGUSTIN

ELLEN FERNANDO

FLORENTINO AGUSTIN

HINIHINALA

ISANG

JUANITO TALUBAN

KINILALA

MAKARAAN

MAYNILA

PANDACAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with