Ito ang napag-alaman mula sa isang impormante na ayaw magpabanggit ng pangalan subalit hindi pa umano ito lumalantad.
Kinumpirma rin ng source na nanatili sina Jessica at Jansen Ang sa mga kamay ng kidnaper hanggang hindi pa umano nakakapagbigay ng P10 milyong ransom money ang pamilya ng mga biktima.
Samantala, nagsanib na ang puwersa ng mga kagawad ng Valenzuela Police at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) North field office upang magsagawa ng malalim na imbestigasyon tungkol sa pagkakadukot kay Jansen at Jessica na asawa ng isang businessman na may-ari ng junkshop sa Caloocan City.
Ayon pa sa impormante, nagbanta pa umano ang mga kidnaper sa pamilya ng biktima na papatayin nila ito kapag hindi nakapagbigay ng hinihinging ransom money. (Ulat ni Gemma Amargo)