P10-M para sa tatlong kinidnap
September 4, 2001 | 12:00am
Sampung milyong pisong ransom ang hinihingi ng mga kidnappers ng tatlo katao na dinukot ng anim na armadong kalalakihan, noong nakalipas na Sabado ng hapon sa Valenzuela City.
Ito ang nabatid matapos na magsumbong umano ang asawa ng biktimang si Jessica Ang sa isang non-government organization (NGO) na hinihingan sila ng P10 milyong ransom kapalit ng kalayaan ng mga biktima.
Kasabay nito, nilinaw na tatlo lamang katao ang biktima nang pandurukot at hindi apat gaya ng unang naiulat.
Kabilang pa sa mga dinukot ay si Jansen Ang at ang driver nito.
Napag-alaman na si Jessica Ang ay asawa ng isang negosyante na nagmamay-ari ng isang junkshop sa Caloocan City subalit nakatira ang mga ito sa Malabon City.
Napag-alaman din na tinangay din ng mga kidnappers ang Toyota Revo ng mga biktima na may plakang WFT-196.
Magugunitang hinarang ng mga suspect ang mga biktima dakong alas-5:30 ng hapon sa Tatalon at Brgy. Ugong, Valenzuela City.
Patuloy namang nagsasagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad para masagip ang mga biktima. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest