Malonzo ipoproklama na
September 3, 2001 | 12:00am
Bagaman muling naudlot, posibleng mai-proklama na anumang oras ngayon si Officer-in-Charge (OIC) Reynaldo Malonzo matapos na ipag-utos ni Commission on Election (Comelec) Chairman Alfredo Benipayo sa board of canvasser na rebyuhin ang statements of votes.
Sinabi ni Malonzo na anumang oras mula ngayon ay maaari na siyang maiproklama dahil sa alas-9 pa lamang ng umaga ay ire-reconvene na ng board of canvassers ang lahat ng statements of votes.
Ang naturang hakbang ay base na rin sa kautusan ni Chairman Alfredo Benipayo kay Board of Canvasser Chairman Atty. Ferdinand Rafanan na kaagad na iproklama si Malonzo sa oras na matapos na ang review.
Kabilang sa mga miyembro ng board of canvassers sina City Chief Prosecutor Ranion Rodrigo at Dr. Elizabeth Manalo. Matatandaang halos tatlong buwan matapos ang eleksyon, tanging si Malonzo lamang ang hindi pa naipoproklama matapos na magharap ng petisyon ang kalabang si Luis "Baby" Asistio na mayroong failure of election sa lungsod. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended