Pansamantalang hindi muna pinangalanan ang mga nasabing police inspector dahil iniimbestigahan pa ang kanilang mga dokumento na isinumite sa NAPOLCOM.
Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang NAPOLCOM na humigit kumulang sa 50 police inspector na pawang "peke" umano ang police eligibility ng mga ito na isinumite sa Personnel Division ng Philippine National Police (PNP).
Kasalukuyang pinabeberipika ni NAPOLCOM Vice Chairman Retired General Rogelio Pureza sa Personnel Division ng nasabing ahensiya ang mga dokumentong isinumite ng nasabing mga opisyal at kung paano nakalusot ang mga ito.
Sasampahan ng falsification of public documents ang nasabing mga police inspector kapag napatunayan na nagkaroon sila ng paglabag sa pinatutupad na requirement ng NAPOLCOM.
Bilang parusa sa mga violators, pagkakasibak sa serbisyo o di kayay demosyon sa kanilang ranggo. (Ulat ni Lordeth B. Bonilla)