Ito ang sinabi kahapon ni Pasay City Rep. Consuelo Dy kasabay ng paggiit na ang Pasay City ang lehitimong may-ari ng 4.7 ektarya ng lupang nakuha ng Parañaque sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No.135.
Sa resolusyong inihain ni Dy, sinabi nito na dapat magsagawa ng imbestigasyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay sa ilegal at unconstitutional na paglilipat ng nasabing land area sa Parañaque City.
Si dating Pangulong Joseph Estrada ang nagpalabas ng Proclamation 135 noong Hulyo 5, 1999 kung saan ibinigay sa Parañaque ang ilang lugar na sakop ng Pasay na kinabibilangan ng Brgy. 190, base na rin sa rekomendasyon ni dating Parañaque Rep. Roilo Golez. Ito ay isinagawa sa kabila ng protesta ng Pasay City Council at ng mga residenteng nakatira sa naturang lugar.
Ayon pa kay Dy, ang nasabing proclamation ang pinagmulan ng reklamo ng nasa 10,000 pamilya ng Pasay na inutusan ng local government ng Parañaque na bakantehin ang nasabing area. (Ulat ni Malou Rongalerios)