^

Metro

4.7 ektarya ng lupa na nakuha ng Parañaque,

-
"Ibalik sa amin ang aming lupa!"

Ito ang sinabi kahapon ni Pasay City Rep. Consuelo Dy kasabay ng paggiit na ang Pasay City ang lehitimong may-ari ng 4.7 ektarya ng lupang nakuha ng Parañaque sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No.135.

Sa resolusyong inihain ni Dy, sinabi nito na dapat magsagawa ng imbestigasyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay sa ilegal at ‘unconstitutional’ na paglilipat ng nasabing land area sa Parañaque City.

Si dating Pangulong Joseph Estrada ang nagpalabas ng Proclamation 135 noong Hulyo 5, 1999 kung saan ibinigay sa Parañaque ang ilang lugar na sakop ng Pasay na kinabibilangan ng Brgy. 190, base na rin sa rekomendasyon ni dating Parañaque Rep. Roilo Golez. Ito ay isinagawa sa kabila ng protesta ng Pasay City Council at ng mga residenteng nakatira sa naturang lugar.

Ayon pa kay Dy, ang nasabing proclamation ang pinagmulan ng reklamo ng nasa 10,000 pamilya ng Pasay na inutusan ng local government ng Parañaque na bakantehin ang nasabing area. (Ulat ni Malou Rongalerios)

CONSUELO DY

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU RONGALERIOS

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PASAY

PASAY CITY

PASAY CITY COUNCIL

PASAY CITY REP

PRESIDENTIAL PROCLAMATION NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with