^

Metro

High School student na may tattoo, huhulihin

-
Nagharap ng panukalang ordinansa si Quezon City Councilor Antonio Inton Jr., ng pagbabawal at paghuli sa mga high school student na nagtataglay ng tattoo ng mga notorious gang sa kanilang katawan.

Ayon kay Inton, kailangan na makibahagi ang mga kabataan sa ibat-ibang civic at social organization na makatutulong sa kanilang kinabukasan.

Aniya, karamihan ngayon sa mga kabataan ang nalululong sa masasamang bisyo at naiimpluwensiyahang gumawa ng mga karumal-dumal na krimen.

Ipinaliwanag pa ni Inton na hindi rin marapat sa mga kabataan na magpalagay ng mga tattoo ng mga notorious gang tulad ng Oxo, Sigue-Sigue at Sputnik dahil nagiging simula ito ng kaguluhan sa ibang grupo.

Ipinapanukala din ni Inton na pagbabayarin ng halagang P200 hanggang P2,000 at pagkakulong ng 10 araw ang sinumang mahuhuling may tattoo sa kanilang katawan.

Hiniling din ni Inton ang kooperasyon ng pulisya partikular ang Central Police District sa pagmamanman sa mga kabataan na nagpapatattoo sa mga kilabot na grupo.

Ayon pa sa konsehal na tanging ang mga preso sa ibat-ibang kulungan sa bansa na may mabibigat na kaso ang kadalasang tinatatuan at hindi ang mga inosenteng sibilyan na mayroon pang kinabukasan. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ANIYA

AYON

CENTRAL POLICE DISTRICT

DORIS FRANCHE

HINILING

INTON

IPINALIWANAG

IPINAPANUKALA

QUEZON CITY COUNCILOR ANTONIO INTON JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with