Tiyo ni Geneva Cruz, timbog sa droga
September 1, 2001 | 12:00am
Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang apat na miyembro ng sindikato ng mga swindlers na kumikilos sa loob ng AFP Savings and Loan Associaton Inc. (AFPSLAI) kabilang dito ang isang ex-Army sergeant sa isinagawang serye ng operasyon sa Metro Manila.
Kinilala ang mga nadakip na sina ex-Army Sgt. Aurelio Yurag, 36; dating pulis na si Rodolfo Ocate, 46; ex-non-uniformed personnel ng PNP na si Manuel Dizon, 38 at ang nag-iisang babae na si Marian Cunanan, 36, ng Rancho Estate, Marikina City.
Si Yurag ay nadakip matapos na magpanggap sa pangalang si Inspector Drake Wallie Bantag at magwi-withdraw ng tseke na nagkakahalaga ng P200,000 na loan.
Ang mga suspect ay nasakote ng magkasanib na elemento ng PNP-CIDG at ISAFP matapos makatanggap ng reklamo sa mga naging biktima ng mga ito sa AFPSLAI.
Nabatid pa na ang mga nabanggit ay may mga kasabwat sa loob ng AFPSLAI kung saan ay nagagawa ng mga ito na makapag-withdraw ng malaking halaga ng loan sa pangalan ng mga aktibong pulis at sundalo. Walang kamalay-malay ang mga biktima na may malaki silang pagkakautang at inaawasan sa kanilang mga sahod, habang ang loan ay napasakamay na ng sindikato. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended