Sindikato ng AFPSLAI nabuwag, 4 tiklo

Bumagsak sa kamay ng pulisya ang tiyuhin ng singer na si Geneva Cruz matapos ang isinagawang buy-bust operation kahapon sa Tondo, Manila.

Ang suspect na ngayon ay nahaharap sa kasong drug pushing ay nakilalang si Reynaldo Mendoza, 48, residente ng Pampanga kanto ng Hermosa Sts., Tondo.

Bukod kay Mendoza, dinakip din ng mga tauhan ni Western Police District-Jose Abad Santos police station 7 P/Supt. Gil de Castro ang lima pang suspect na nakilalang sina Danilo Cabrera, 30; Josephine Cabrera, 34; Edmund Punzalan, 40; Jun Cabutaje, 18; at Allan Mendoza, 19, pawang residente ng Cabesa St., Tondo.

Isinagawa ang pagdakip sa mga suspect makaraang makatanggap ng reklamo si Supt. de Castro sa mga residente ng naturang lugar kaugnay sa umano’y talamak na bentahan ng droga at pagsasagawa ng pot session sa naturang lugar.

Sinasabing isang pulis ang nagpanggap na poseur-buyer sa tiyuhin ng naturang sikat na singer at nakakumpiska mula rito ng may dalawang gramo ng pinaghihinalaang shabu at dalawang marked money na ginamit na patibong sa naturang entrapment operation. (Ulat nina Ellen Fernando at Andi Garcia)

Show comments