Pulis patay, 1 pa sugatan sa holdap
September 1, 2001 | 12:00am
Isang bagitong pulis ang nasawi, samantalang isa pa ang nasugatan matapos na magresponde sa naganap na holdapan, kamakalawa ng hapon sa Parañaque City.
Hindi na umabot nang buhay nang isugod sa Com Care Medical Center ang pulis na si PO1 Raymond Sula, bunga ng anim na tama ng bala ng baril na tinamo nito sa ibat-ibang bahagi ng katawan. Habang nilalapatan naman ng lunas sa nabanggit na pagamutan ang kasamahan nitong si PO1 Pelomeno Velasco, kapwa nakatalaga sa Light Reaction Unit ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).
Samantala, mabilis namang tumakas ang dalawang hindi pa nakikilalang mga holdaper na tangay ang may kalahating milyong pisong hinoldap nila sa biktimang si Dorothy Jane Blase, 35, medical representative ng Glaxo Philippines.
Base sa ulat, naganap ang insidente dakong ala-1 ng hapon habang naglalakad ang biktima sa may Doña Soledad St., Better Living, Brgy. Don Bosco ng nabanggit na lungsod nang tapatan ng dalawang suspect na noon ay lulan sa isang motorsiklo.
Agad na tinutukan ng mga suspect ang biktima at inagaw ang dalang bag na naglalaman ng may kalahating milyong piso.
Natiyempuhan ng mga pulis ang mga suspect, subalit inunahan na sila nitong paputukan.
Matapos paulanan ng pagpapaputok ng baril ang mga pulis ay mabilis ng nagsitakas ang mga suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended