Sa ginanap na pagdinig kahapon sa Senado, inamin ng Bureau of Fire Protection na depektibo ang ilan pang gusali sa Kamaynilaan dahil sa paglabag sa naturang batas.
Kabilang sa inirekomendang ipasara sa kani-kanilang local government units ang Dr. Jose Fabella Hospital, Tondo Medical Center, Gat Andres Bonifacio Hospital, Ospital ng Maynila, Ospital ng Tondo, Ospital ng Sampaloc, San Lazaro Hospital at Philippine General Hospital sa Maynila.
Ipinapasara rin ang gusali ng Holy Child Montessori sa Navotas at Lacson Bldg. sa Valenzuela City; Parc House II; Goodwill Bldg., Cityland III, Oppen Bldg., Ellag Bldg., Hotel Intercontinental, Carson Bldg., Philgrim Bldg., Ritz Tower, Travellers Inn, Uran Bank Plaza, Twin Cities Condo, ITC Bldg., 1st E-Bank, Emmanuel House, Campos Rueda Bldg., National Development Company Bldg., MMDA Bldg. at City Garden Hotel na pawang matatagpuan sa Makati City.
Kabilang sa natuklasan na may depekto ang House of Living Rock Apartelle sa Las Piñas City, AMA Computer, Prime Work Machine Shop, Sky Trek, Star Heel, Red Flower Garments, Miss Show Girl, Crown Bay Tower, VM Tower, Draco Bldg., Edgar Bldg., 8414 Bldg. na nasa Parañaque City. Maranatha Christian Academy sa Marikina, Philcomcen Bldg. sa Pasig, Pateros Municipal Hall, Pateros Cockpit Arena, Cardinal Santos Medical Center sa Pasig, SEC Bldg., City Trust Bldg., POEA Bldg., Polymedic Hospital, Wack-Wack Condo, Court Felicidad at Jovan Bldg. sa Mandaluyong City.
Kasabay nito, inamin pa ng BFP na wala silang kakayahang maapula ang apoy kapag nasunog ang oil depot sa Pandacan, Maynila.
Sinabi ni Senior Supt. Rogelio Tumbaga, hepe ng administration branch ng BFP, aksidente mang masunog o sadyang bombahin ng mga terorista ang nasabing oil depot, walang kakayahan ang BFP na makontrol o maapula ang sunog dito.
Aniya, kung sakaling masunog ang nasabing oil depot, posibleng umabot pa ito hanggang sa Palasyo ng Malacañang at hindi nila ito maaapula kahit magsama-sama pa ang lahat ng fire departments sa Metro Manila, Region 3 at Region 4 sa alarmang level 5. (Ulat ni Rudy Andal)