Implementasyon ng Clean Air Act malabong maipatupa
August 31, 2001 | 12:00am
Ibinunyag kahapon ni Secretary Heherzon Alvarez ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na malamang na hindi magtagumpay ang pamahalaan sa implementasyon ng Clean Air Act bunsod ng maanomalyang bidding sa air monitoring equipment noong panahon ng Estrada administration.
Binigyang diin ni Alvarez na nagkaroon ng graft bid sa pag-aaward ng DENR board noong Estrada administration sa dalawang pinapaborang bidders.
Naglaan ang International Financial Institutions ng halagang US$ 4.3 milyon o P215 milyon sa pamahalaan sa ilalim ng Foreign Assisted Projects na kasama dito ang pagbili ng air monitoring equipment para sa pagpapatupad ng Clean Air Act.
Ang nabanggit na halaga ay bahagi ng US$200 milyon na pinondohan ng Asian Development Bank (ADB).
Bunsod ng umanoy iregularidad sa nabanggit na bidding, sinabi ni Alvarez na bubusisiin at pag-aaralan muna ng DENR ang lahat ng naganap na bidding dito ng nakalipas na administrasyon.
Dahil naman dito, nagpasya umano ang IFIs tulad ng Swedish International Development Cooperation Agency at iba pang miyembro ng Asian Development Bank na ipupull-out na ang naturang proyekto sa Pilipinas kung hindi magagawang i-award ang proyekto hanggang sa buwan ng Disyembre ng taong ito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended