^

Metro

Dalagita nakatakas sa hazing ng frat

-
Isang 14-anyos na dalagita ang nagawang makatakas sa isinasagawang initiation rites ng Tau Gamma Phi fraternity matapos na hindi na nito nakayanan ang mga palo’t pahirap na kanilang dinaranas sa nasabing fraternity, sa Quezon City kamakailan.

Dumulog sa tanggapan ni Supt. Walberto Mandin, hepe ng CPD, Station 10 ang biktimang si Arriane Paglinawan, 3rd year high school sa Ramon Magsaysay High School at residente ng GSIS Road Rosario, Pasig City.

Tadtad ng pasa sa ibat-ibang parte ng katawan ang biktima makaraang makatakas ito sa isinasagawang hazing ng naturang fraternity.

Binanggit pa nito na ang initiation rites ay isinagawa sa bahay ng mag-inang sina Estela at Andrian Velasco, sa Maryland St., Barangay Pinagkaisahan, Cubao, Quezon City na bahay rin umano ng isang pulis na nakatalaga sa warrant section ng CPD.

Kabilang din sa sasampahan ng reklamo sina Rina Ramos, 3rd year high school student, Lalaine Casubuan at Edraluz Bolo ng nabanggit ding paaralan.

Batay sa pahayag ng biktima, dakong alas- 3 ng hapon noong Lunes ng sunduin siya ni Bolo at siyam pang kasamahan nito at saka siya dinala sa pinagdausan ng initiation rite.

Nadatnan umano nila sa naturang bahay ng suspect na si Andrian ang 8 kalalakihan at dalawang babae na pawang nakapiring ang mata at pinagpapalo ng suspect na si Andrian na anak ng pulis.

Pagkaraan nito ay isinunod na siyang isalang sa hazing at halinhinang pinagpapalo ng tatlong suspect. Sa kabila umano ng kanyang pagmamakaawa ay hindi siya tinantanan ng mga ito at maging ang ina ng suspect ay sinabihan pa siyang "umaarte lamang".

Matapos ang initiation rites ay nagmadaling tumakas ang biktima at agad na nagtungo sa himpilan ng pulisya.

Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng mga awtoridad ukol dito. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

ANDRIAN

ANDRIAN VELASCO

ARRIANE PAGLINAWAN

BARANGAY PINAGKAISAHAN

EDRALUZ BOLO

ISANG

JHAY MEJIAS

LALAINE CASUBUAN

MARYLAND ST.

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with