Waiter na nagsa-uli ng naiwang P.1M pinarangalan
August 30, 2001 | 12:00am
Hindi maatim ng isang waiter na ibulsa o itago ang napulot nitong salapi na tinatayang aabot sa P.1 milyon na naiwan ng isang kostumer sa isang restaurant sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal kahapon.
Si Marcelo Coronacion, 36, ng Novaliches at isang service supervisor ng Patio Manila Café and Restaurant na matatagpuan sa loob ng NAIA ay binigyan ng isang simpleng parangal ng mga opisyal ng Ninoy Aquino International Airport Authority (NAIAA) matapos nitong isauli ang napulot niyang salapi at importanteng mga dokumento sa isang Romulo Pajarito.
"Hindi ko kayang ipakain sa pamilya ko ang perang hindi akin. Baka gagamitin ito ng may-ari para sa kanyang mahal sa buhay," ani Coronacion.
Nabatid na napulot ni Coronacion ang pera na naiwan ni Pajarito sa naturang restaurant nang ang huli ay kumain dito. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended