Ayon kay Joel Bangit, tagapangulo ng United Vendors Association (UVA) ng Ilaya-Tondo at Avenida, mahigpit nilang tinututulan ang bagong kautusan ni Mayor Lito Atienza na "Zero Vendor Policy" na siyang nagbigay ng malaking pahirap sa pamilya ng may 2,000 manininda sa Divisoria, Morayta at Sta. Cruz bunga ng kawalang hanapbuhay.
Tinuligsa rin ng UVA na sa kabila ng kanilang pagiging mga lehitimong vendors na nagtataglay ng mga permit at lisensiya sa kanilang mga pagtitinda ay taimtim na nagbayad ng kanilang concession at license fees sa ilalim ng probisyon ng MMC Ordinance #79-2.
Sinabi pa na malinaw na isang hayagang paglabag at pang-aabuso sa kanilang mga karapatan ang isinasagawang kampanya laban sa mga vendors at manininda sa kabila ng pag-aatas ni DILG Sec. Lina kay Mayor Lito Atienza na payagan ang mga manininda na magpatuloy sa kanilang hanap-buhay batay na rin sa Rule 9 Section 27-28 ng Executive Order 452 ng memorandum na ipinalabas ni Sec. Lina. (Ulat ni Andi Garcia)