^

Metro

Kasong robbery vs hepe ng CPD anti-carnapping isin

-
Sinampahan kahapon sa Quezon City Regional Trial Court ng kasong robbery ang hepe ng Anti-Carnapping Unit ng Central Police District at dalawa nitong tauhan bunga na rin ng umano’y pangingikil ng pera sa isang liaison officer na kanilang ikinulong.

Inirekomenda naman ni Inquest Division Chief Meynardo Bautista ang piyansang tig-P100,000 para sa pansamantalang kalayaan ng mga akusadong sina Insp. Emmanuel Bautista, chief ng AnCar; SPO1 Mario Pascual, AnCar chief of operations at PO3 Genaro Blasorca.

Ang tatlo ay inaresto bunga ng isang entrapment operation ng District Intelligence and Investigation Unit sa pamumuno ni Supt. Pierre Bucsit at District Police Intelligence unit ni Chief Insp. Anthony Rodolfo noong Sabado ng gabi sa bisa ng reklamo ni Glenn Bihag, ng GLN Manpower.

Lumilitaw sa rekord ng korte na una nang inaresto sina Bihag kasama ang kaibigan nitong si Anthony Sumile nina SPO2 Liberato Abosolo at PO3 Bernardo Amigo noong Agosto 25 sa likod ng Land Transportation Office bunga ng kasong carnapping.

Habang sakay ng sinasabing carnap na kotseng Toyota Corolla na kulay pula at may plakang UCK-140, nilapitan nina Abosolo at Amigo sina Bihag at Sumile na ilabas ang dokumento ng sasakyan subalit walang maipakita ang dalawa.

Sinabi ni Bihag na hinihingan siya ni Blasorca ng halagang P10,000 para sa kanyang kalayaan na kanya namang pinakiusapan na ibaba na lamang sa P5,000.

Hindi pumayag si Blasorca at sinabing P50,000 ang hinihingi ng kanyang hepe. Subalit naibaba ito sa halagang P30,000. Agad namang tinawagan ni Bihag ang kanyang asawang si Sherilyn.

Bago magtungo sa kanyang asawa, humingi ng tulong si Sherilyn kina Bucsit at Rodolfo at pinagplanuhan ang entrapment.

Una nang inirekomenda ni Inquest Prosecutor Leopoldo Baraquia na "for further investigation" ang kaso subalit binaligtad naman ito ni Bautista sa pagsasabing mayroon itong "probable cause".

Gayunman, itinakda na ang preliminary investigation para sa kasong carnapping laban kina Bihag at Sumile at kasong anti-graft and corrupt practices laban kina Bautista, Pascual at Blasorca. (Ulat ni Doris M. Franche)

ANTHONY RODOLFO

ANTHONY SUMILE

ANTI-CARNAPPING UNIT

BAUTISTA

BERNARDO AMIGO

BIHAG

BLASORCA

CENTRAL POLICE DISTRICT

CHIEF INSP

DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with