9 anyos na nag-udlot sa pagsa-shabu ng ama, magdam
August 29, 2001 | 12:00am
Isang siyam na taong-gulang na batang lalaki ang iniulat na magdamag na ikinadena ng adik na ama matapos itong ma-bad trip nang hipan ng una ang sinindihan niyang lighter na umanoy gagamitin nito sa pagsinghot ng shabu, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Si Benjamin Punay, 32, ng Blk. 19, Kawal Purok 4, Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod ay kaagad na naaresto ng pulisya matapos itong ireklamo ng kanyang mga kapitbahay na nakakita sa ginawa nitong pagkadena sa anak na itinago sa pangalang Allan.
Napag-alaman na dakong alas-8 ng gabi nang ikadena ng suspect ang kanyang anak sa loob ng kanilang bahay.
Bago naganap ang insidente, napag-alaman na nagkulong sa loob ng kanilang bahay ang suspect at naghanda na para sa pagsinghot ng shabu nang dumating ang biktima buhat sa paglalaro.
Nakita nito na nagsindi ng lighter ang kanyang ama na itinapat sa isang aluminum foil subalit bigla itong hinipan ng bata.
Dahil dito, nagalit ang suspect at mabilis na kumuha ng kadena at ikinadena ang sariling anak.
Kahapon dakong alas-12 ng tanghali nang makita ng kanilang mga kapitbahay ang kalagayan ng bata na mistulang isang asong nakakadena kung kayat mabilis silang humingi ng tulong sa mga awtoridad at nailigtas ang bata.
Nasamsam din ng mga awtoridad sa bahay ng suspect ang ilang shabu paraphernalias na pinaniniwalaang ginamit nito sa pagsinghot ng ipinagbabawal na gamot. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended