^

Metro

Lider ng KFR group nalambat

-
Bumagsak sa kamay ng pulisya ang itinuturing na pinaka-notoryus na lider ng isang big-time kidnap-for-ransom (KFR) group sa bansa sa isinagawang operasyon sa Quezon City.

Batay sa sketchy report na nakalap mula sa Philippine National Police-Intelligence Group (PNP-IG), nakilala ang nadakip na KFR group leader na si Tito Medina na siyang lider ng grupong binansagang "Tito Medina group."

Ito ay nadakip dakong alas-12:30 ng gabi noong Sabado nang salakayin ng mga operatiba ng PNP-IG ang safehouse nito sa Sct. Alcaraz, Sta. Mesa Heights, Quezon City.

Hindi pa madetermina sa ulat kung may nasamsam na armas o iba pang ebidensiya mula sa suspek.

Ayon sa rekord ng pulisya, ang nasabing grupo umano ni Medina ay siyang responsable sa nangyaring pagdukot kamakailan sa mga negosyanteng sina Marco Sia noong Agosto 14 sa San Jose del Monte, Bulacan at isang Jake Ocampo.

Nakatakdang iharap sa mga mamamahayag ang suspect sa Camp Crame. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AGOSTO

ALCARAZ

CAMP CRAME

JAKE OCAMPO

JOY CANTOS

MARCO SIA

MESA HEIGHTS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-INTELLIGENCE GROUP

QUEZON CITY

SAN JOSE

TITO MEDINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with