Umamin si Domingo na posibleng makalabas ng bansa si William Tan o Luis Genato sa kabila ng ipinalabas na hold departure order ng BI ay malaki ang posibilidad na natakasan na nito ang kanyang pananagutan sa mga namatay sa naganap na sunog sa Manor Hotel.
Sinabi nito na tanging pangalang William Tan Genato lamang ang rekord na pinanghahawakan nila at walang larawan na magpapakilala ng anyo nito.
Hindi rin naniniwala si Domingo sa katotohanan ng naunang pahayag ng may-ari ng hotel na nasa bansa lamang ito at handang sumuko anumang oras.
Kaagad na ipinag-utos ni Domingo na ang larawan ni Genato o Tan na magmumula sa NBI ay agad na ipaskil sa lahat ng paliparan sa bansa maging international o lokal at sa mga daungan na puwedeng lusutan nito sa pamamagitan ng water vehicle. (Ulat ni Andi Garcia)