^

Metro

Larawan ng may-ari ng Manor Hotel, hingi ng BI

-
Pormal na hiningi ni Bureau of Immigration Commissioner Andrea Domingo ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) upang magkaroon ng klaradong larawan ang may-ari ng Manor Hotel na hinihinalang pumuslit na ng bansa o pupuslit palabas ng bansa makaraang aminin ng commissioner ang kawalan ng tiyak na larawan sa BI record para sa tiyak na pagkakakilanlan nito.

Umamin si Domingo na posibleng makalabas ng bansa si William Tan o Luis Genato sa kabila ng ipinalabas na hold departure order ng BI ay malaki ang posibilidad na natakasan na nito ang kanyang pananagutan sa mga namatay sa naganap na sunog sa Manor Hotel.

Sinabi nito na tanging pangalang William Tan Genato lamang ang rekord na pinanghahawakan nila at walang larawan na magpapakilala ng anyo nito.

Hindi rin naniniwala si Domingo sa katotohanan ng naunang pahayag ng may-ari ng hotel na nasa bansa lamang ito at handang sumuko anumang oras.

Kaagad na ipinag-utos ni Domingo na ang larawan ni Genato o Tan na magmumula sa NBI ay agad na ipaskil sa lahat ng paliparan sa bansa maging international o lokal at sa mga daungan na puwedeng lusutan nito sa pamamagitan ng water vehicle. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

BUREAU OF IMMIGRATION COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

DOMINGO

GENATO

KAAGAD

LUIS GENATO

MANOR HOTEL

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

WILLIAM TAN

WILLIAM TAN GENATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with