Tinyente nagwala, 2 trike driver binoga!
August 27, 2001 | 12:00am
Dalawang tricycle driver ang malubhang nasugatan matapos na pagbabarilin ng umanoy lasing na tinyente ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Kinilala ang mga biktima na kasalukuyang ginagamot sa East Avenue Medical Center (EAMC) na sina Julius Talagtag, 21 at Ryan Gomez, 23, kapwa residente ng Brgy. Bagumbong ng nasabing lungsod.
Samantala, agad namang nadakip ang suspect na si Insp. Gerardo Berdin, 36, ng MCB 2 Subd. ng nasabing Brgy. at umanoy opisyal ng BJMP.
Lumalabas sa imbestigasyon ni PO3 Romeo Mata, may hawak ng kaso ng Caloocan Police Sub-station 4, bandang alas-12:30 ng madaling-araw nang magkaroon ng pagtatalo ang mga biktima at suspect nang magkasalubong ang mga ito sa kalsada sa nasabing lugar.
Lasing na lasing umano sa alak si Berdin at bigla na lamang nitong pinagbabaril ang dalawang biktima.
Ayon naman sa suspect, ipinagtanggol lamang umano niya ang kanyang sarili dahilan sa susugurin umano siya ng saksak ng dalawa na umanoy lasing na lasing din sa alak dahilan upang barilin niya ang mga biktima.
Kaagad namang nadakip ang suspect at kasalukuyang nakapiit sa Caloocan police detention cell habang inihahanda ang kasong frustrated homicide laban dito. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended