Ito ay matapos ang insidente ng landslide sa Purok 9 sa IBP Road sa Commonwealth Avenue na ikinasugat ng limang katao.
Ayon kay City Mayor Feliciano Belmonte, kailangan lamang nilang makahanap ng relokasyon ng mga residente upang hindi na makatanggi pa ang ibang pamilya na lumipat sa sandaling maapektuhan sila ng mga pagguho.
Nabatid kay Belmonte na kanyang inatasan si QC Engineer Robert Nacianceno na magsumite ng report hinggil sa mga ocular inspection sa ibat ibang lugar sa lungsod.
Samantala, sinabi rin ni Belmonte na ang gumuhong lugar sa Commonwealth ay hindi na maaari pang tirahan dahil sa ang nasa ilalim nito ay pawang mga lupa at hindi adobe na maaaring magbigay suporta sa kanilang mga bahay.
Dahil dito, nananawagan din ang alkalde sa mga residente na lisanin na nila ang kanilang mga tahanan upang makapagsagawa ng aksyon ang pamahalaang lungsod at maisaayos ang naturang lugar. (Ulat ni Doris Franche)