Renovation sa QC Hall pinamamadali
August 25, 2001 | 12:00am
Hiniling ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte sa Department of Justice ang agarang pagsasaayos ng QC Hall of Justice upang matiyak ang kaligtasan ng mga kawani at mapangalagaan ang mga dokumento na nakalagak sa mga tanggapan dito.
Ang kahilingan ay ginawa ni Belmonte matapos niyang makausap si Justice Secretary Hernando Perez kahapon ng umaga kasabay ng kanyang isinagawang inspeksyon sa nasunog na Hall of Justice noong Marso 24.
Base sa report, nadamay sa sunog bunga ng faulty electrical wiring ang QC Regional Trial Court Branch ni Judge Diosdado Peralta at Lucas Bersamin ng Branch 98.
Sa isinagawang inspeksyon, isa sa kanang fire exit na bahagi ng City Hall ay pinaglalagakan ng mga lumang mesa, silya at cabinet.
Ayon kay Belmonte, kailangan na maibalik sa ayos ang Hall of Justice upang maiwasan pang masundan ang insidente ng sunog at pagkadamay ng mga inosenteng sibilyan. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended