^

Metro

Security agency sinalakay; Nakumpiskahan ng mga di

-
Bultu-bultong malalakas na uri ng armas na pawang pinalsipika ang serial numbers at ilang dosena ng bala at magazines ang nakumpiska ng mga ahente ng National Bureau of Investigation sa isinagawang pagsalakay sa isang security agency sa Mandaluyong City kamakailan.

Ang Able Security Agency ay sinalakay matapos na ipalabas ang isang search warrant ni Exec. Judge Morina Zenerosa, ng Quezon City Regional Trial Court makaraang makumpirma ng NBI-NCR na pinamumunuan ni Director Edmund Arugay na nagtatambak ng iba’t ibang uri ng rifles at handguns at bala ang nasabing security agency na matatagpuan sa 410 Jovan Condominium, 600 Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Matapos na makumpiska ang nasabing mga baril ay sinampahan ng kaso dahil sa paglabag sa PD 1866 sa Department of Justice sina Corazon Arenas, manager at 14 pang director ng nasabing security agency. (Ulat nina Ellen Fernando at Andi Garcia)

ANDI GARCIA

ANG ABLE SECURITY AGENCY

CORAZON ARENAS

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR EDMUND ARUGAY

ELLEN FERNANDO

JOVAN CONDOMINIUM

JUDGE MORINA ZENEROSA

MANDALUYONG CITY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with