^

Metro

2 Koreano kinasuhan ni Mayor Abalos

-
Sinampahan na ng limang magkakahiwalay na kaso ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos sa Mandaluyong Prosecutor’s Office ang dalawang Korean nationals na bumangga sa kanya at muntik nang kumitil sa kanyang buhay habang sakay siya ng isang motorsiklo, kamakalawa ng madaling araw sa lungsod na ito.

Tinanggap ni City Prosecutor Susante Tobias ang mga isinampang kasong attempted homicide, direct assault, indirect assault at serious disobedience to person in authority laban sa mga suspect na sina Jae Young Park, 39, negosyante, ng Pasig City at Seong Ki Yeo, 35, ng Cainta, Rizal.

Bukod dito, nahaharap din sa kasong driving without license at under the influence of liquor ang suspect na si Park.

Sinabi ni Abalos na bagamat importante sa kanya ang pagkakaroon ng mga turista sa bansa, kailangan rin umanong protektahan ang kapakanan ng mga residente laban sa mga abusadong turista tulad ng dalawang nabanggit. (Ulat ni Danilo Garcia)

ABALOS

BUKOD

CAINTA

CITY PROSECUTOR SUSANTE TOBIAS

DANILO GARCIA

JAE YOUNG PARK

MANDALUYONG CITY MAYOR BENHUR ABALOS

MANDALUYONG PROSECUTOR

PASIG CITY

RIZAL

SEONG KI YEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with