^

Metro

May-ari ng Manor Hotel, pinahaharap sa preliminary

-
Pinahaharap ng Quezon City Prosecutor’s Office ang may-ari ng Manor Hotel sa preliminary investigation kaugnay na rin ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide na isinampa laban dito ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Kasabay nito, nadiskubre ng CPD na hindi sinunod ang five-storey structure na nasa blueprint na una nang inaprubahan ng city engineering office.

Ayon kay Criminal Investigation Unit-Homicide Division chief, Senior Insp. Rodolfo Jaraza, ang naturang gusali ay maituturing na "death trap" bunga na rin ng hindi pagkakasunod sa inaprubahang blueprint.

"Kailangang malaman namin kung sinunod nga ng may-ari ang nasa blueprint sa pagpapatayo ng building subalit nakita namin na kakaiba ang nakasaad sa blueprint at sa talagang construction nito," ani Jaraza.

Lumilitaw din na pawang may mga obstruction sa mga fire exits sakaling dumating ang insidente ng sunog. Aniya, bawat palapag ay mayroong mga fire exit subalit hindi ito madaraanan dahil may mga bakal na nakaharang at may mga protruding airconditioning units. Kaya kahit na tumakbo patungo ng fire exit, hindi rin talaga makakadaan dito.

Nabatid pa kay Jaraza na ang Manor Hotel ay itinayo bilang isang 2-storey commercial establishment noong 1991 hanggang sa madagdag ang palapag nito at gawing isang hotel.

Bunga na rin ng hindi pagsunod kung ano ang nakalagay sa blueprint, maaaring madadagdagan pa ang kaso ng may-ari ng hotel at madadagdagan din ang mga city officials na maaaring masangkot sa kaso. (Ulat nina Doris Franche at Jhay Mejias)

ANIYA

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT-HOMICIDE DIVISION

DORIS FRANCHE

JARAZA

JHAY MEJIAS

MANOR HOTEL

QUEZON CITY PROSECUTOR

RODOLFO JARAZA

SENIOR INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with