^

Metro

Koreano, Hapones inaresto ng BI

-
Inihayag kahapon ni Immigration Commissioner Andrea Domingo ang pagkaaresto sa isang Korean national na hinihinalang lider ng human smuggling syndicate at isang Hapones na sinasabi namang wanted sa kanyang bansa dahil sa kasong robbery.

Nakilala ang mga nadakip na dayuhan na si Park Jae Ho, isang Korean at ang Hapones na si Ryuki Tanaka. Ang dalawa ay inaresto sa magkahiwalay na lugar ng mga tauhan ng immigration’s special operations team.

Si Ho ay naaresto makaraan ang halos tatlong linggo nang siya at isa pang Korean na si Ahn Seok Joon ay bigla na lamang mawala matapos samantalahin ang inisyu ng bureau ng two-day medical pass. Tumakas ang dalawang Koreano sa tulong ng mga corrupt na immigration security guards na nag-escort sa kanila palabas ng jail. Hindi na nakabalik ang dalawa kahit na expired ang kanilang pases.

Base sa isinagawang imbestigasyon, si Ho ay sinasabing nagre-recruit ng iba pang ethnic Koreans buhat sa China na nagnanais na maglakbay sa ibang bansa kahit na kulang ang mga travel documents. Sa halagang $2,500, ang mga Chinese-Koreans ay unang dinadala sa Hong Kong bago sa Manila at dito sila itinatago sa isang safehouse para turuang magsalita at kumilos na isang Koreano. Pagkatapos ay saka sila dadalhin sa US o kaya ay sa Europe.

Samantala, si Tanaka naman ay nadakip sa Ninoy Aquino International Airport. Si Tanaka at tatlo pang Hapones ay sinasabing wanted sa kanilang bansa sa kasong pagnanakaw. (Ulat ni Rey Arquiza)

AHN SEOK JOON

HAPONES

HONG KONG

IMMIGRATION COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

KOREANO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PARK JAE HO

REY ARQUIZA

RYUKI TANAKA

SI HO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with