^

Metro

Obrero nadaganan ng 100 kilo ng bakal, napisak

-
Kalunus-lunos na kamatayan ang inabot ng isang construction worker matapos na mabasag ang bungo at mukha nang mabagsakan siya nang panghakot ng bakal ng kinukumpuni niyang pay loader, kahapon ng umaga sa Pasig City.

Nakilala ang nasawi na halos hindi na makilala nang mabagsakan ng mahigit sa 100 kilo ng bakal na si Noel Pelarion, 26, pay loader operator, tubong Davao del Norte at residente ng Area 5, No. 23, Nawasa St., Pasong Tamo,Quezon City.

Base sa ulat naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng umaga sa loob ng construction site ng tinatayong Robinson’s Place sa Marcos Highway, Barangay Dela Paz, Pasig City.

Bago magsimula ang trabaho, kinukumpuni umano ni Pelarion ang ginagamit niyang mini-pay loader. Nasa ilalim umano ito ng naturang makina at may pinupukpok nang biglang kumalas ang panghakot ng bakal at bumagsak sa ulo mismo ng nasawi.

Sinabi sa ulat na posibleng hindi nai-lock ni Pelarion ang kambyo ng pay loader at gumalaw ito dahil sa ginawa niyang pagpupukpok hanggang sa ito ay humulagpos at bumagsak sa kanya. (Ulat ni Danilo Garcia)

BARANGAY DELA PAZ

DANILO GARCIA

DAVAO

MARCOS HIGHWAY

NAWASA ST.

NOEL PELARION

PASIG CITY

PASONG TAMO

PELARION

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with