Ex-US Army, girlfriend tiklo sa P2.6M shabu
August 21, 2001 | 12:00am
Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng PNP-Narcotics Group ang isang AWOL na US Army serviceman at ang girlfriend nito na pinaniniwalaang mga big-time drug trafficker na may koneksyon sa international drug syndicate matapos mahulihan ng mahigit sa P2.6 milyong halaga ng shabu sa isinagawang drug-bust operation sa Quezon City.
Kinilala ang mga naarestong suspect na sina Jojo Baligad, 34, dating miyembro ng US Army at residente ng Sampaloc, Manila at ang kasintahan nitong si Rose Laysa Lamisera, 23, ng Makati City.
Ang dalawa ay nadakip sa loob ng Robinsdalle Apartelle sa kahabaan ng Araneta Avenue sa nabanggit na lungsod.
Sinabi ni PNP-Narcotics Group director Chief Supt. Reynor Gonzales na nasukol ang mag-siyota matapos ang may isang linggong surveillance matapos silang makatanggap ng reklamo na sangkot ang mga ito sa pagpapalaganap ng ilegal na droga sa kalakhang Maynila.
Nasamsam sa mga suspect ang may P2.6 milyong halaga ng shabu.
Nabatid pa sa isinagawang imbestigasyon na si Baligad ay nahaharap sa ilang kasong pagpatay sa Dagupan, Makati City, Ilocos Norte at Maynila. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended