Dalagitang epileptic nalitson, 60 kabahayan natupo
August 20, 2001 | 12:00am
Isang dalagitang epileptic ang natusta habang isang 2-anyos na batang babae ang nawawala at nasugatan ang mag-iina sa naganap na panibagong sunog na umabot ng halos tatlong oras sa Quezon City kahapon ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Liezel Zarte,16, ng Kaliraya St., Araneta, Brgy. Tatalon, nasabing lungsod.
Nilalapatan ng lunas mula sa mga tinamong first degree burn sina Annalyn Peron, 35, at mga anak na sina Christian, 4-anyos at Nico, 3-anyos.
Habang sinusulat ang ulat na ito, pinaghahanap pa ang nawawalang bata na si Jolly Milante kung saan natupok ng apoy ang bahay ng pamilya nito.
Ayon kay Supt. Jacinto, Quiatco, ng Quezon City Fire Dept., dakong ala-1:30 ng hapon nang mamataan ang makapal na usok sa ikalawang palapag ng tahanan ng isang Virginia Pelesantes.
Mabilis umanong kumalat ang apoy dahil sa yari sa kahoy ang nasabing bahay sanhi upang madamay ang katabing squatters area.
Dahil sa dikit-dikit na barung-barong ay lalong naging mabilis ang pagkalat ng apoy na naresulta upang mahirapan na patayin ito ng mga pamatay sunog.
Umaabot sa 60 kabahayan mula sa 200 pamilya ang naabo sa hindi pa malamang kadahilanan ng sunog na naapula bandang alas-4:17 ng hapon.
Agad namang natungo si QC Vice Mayor Herbert Bautista sa nasabing lugar upang tulungan ang mga nasunugan.(Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended