Agad na namatay dahil sa pagkakabagok ng kanyang ulo ang biktima na kinilalang si Pangallan Sarimama, may-asawa, isa umanong Muslim at nakatira sa 964-C Quezon Blvd., Sampaloc, Maynila.
Ginagamot naman sa Philippine General Hospital (PGH) ang ibang nasugatang biktima na nakilalang sina SPO3 Pedro Montoya, 55, nakatalaga sa WPD-TEG; Olive Cantillero, 29, may-asawa ng delos Santos St., Binondo; Benjamin Alver,48, may-asawa ng Block 17 Baseco Compound; Ellis Maureen, 4, at Sahil Sarimana, 4-anyos ng Open Space Kamias St., Las Pinas City.
Mabilis namang naaresto ng Western Police Traffic Enforcement Group ang driver ng Pandacan Transport bus na si Reynato Sierva,33, ng Lorenzo dela Paz St., Pandacan, Maynila na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in multiple serious physical injuries.
Sa pagsisiyasat ni SPO4 eduardo Avierra, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong als-9:15 ng umaga sa harap ng Philtrust Bank sa Plaza Lacson, Sta. Cruz.
Nabatid na kasalukuyan umanong binabagtas ng nasabing bus na may plakang NXS-519 ang Jones bridge nang bigla umanong mawalan ng preno ang sasakyan.
Ayon sa mga saksi, nakita nilang mabilis ang pagdating ng bus at sinuyod at tinumbok ang owner type jeep na may plakang UUU-462 na sinasakyan ng nasawing si Sarimama matapos na maipit ang kanyang ulo at ibang sugatang biktima.
Dahil sa lakas ng impak nito ay bumangga naman ang nasabing sasakyan sa dalawa pang nakahinto dahil sa red light na pampasaherong jeepney. (Ulat ni Ellen Fernando)