5-anyos binoga ng pinsan, todas
August 17, 2001 | 12:00am
Nasawi ang isang limang taong-gulang na batang lalaki matapos itong aksidenteng mabaril ng kanyang 11-anyos na pinsan habang naglalaro sa loob ng kanilang bahay, kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.
Namatay habang ginagamot sa Polo General Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa balikat na tumagos sa dibdib ang biktimang si Michael Leoncio ng 53 Valeriano St., Balagtas ng nasabing lungsod.
Samantala, kusang-loob namang isinuko ng kanyang mga magulang ang paslit na suspect na itinago sa pangalang Angelo, at kapitbahay ng biktima.
Base sa naantalang ulat ni Supt. Nemesio Neron, hepe ng Valenzuela police, dakong ala-1:30 ng hapon ng maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspect habang kalaro nito ang kanyang pinsan.
Nabatid na nakuha ng suspect ang kalibre .22 na ripleng airgun ng kanyang ama hanggang sa paglaruan nila ito ng kanyang pinsan. Ilang sandali pa ay narinig ang isang malakas na putok ng baril hanggang sa makitang nakahandusay at duguan ang biktimang si Michael.
Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya, inaalam din kung kailangang sampahan ng kasong negligence ang magulang ng suspect matapos na makuha ng paslit ang mapanganib na baril. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended