Ayon kay Belmonte, nagsisimula na silang magsagawa ng mapping-up operation upang matukoy kung aling mga kalsada ang dapat na isailalim sa rehabilitasyon at mga kanal na nagiging sanhi ng pagbaha sa ilang mga pangunahing lansangan.
Aniya, mas madaling gumawa ng mga pagsasaayos kung tag-araw.
Gayunman, idinagdag pa nito na kailangan pa ring maghanap ng sapat na pondo ang city government para sa naturang infrastracture project dahil ang P480 milyon na nakalaan sa pagpapagawa nito ay nagamit na ni dating QC Mayor Ismael Mathay Jr.
Ipinaliwanag pa ni Belmonte na P20 milyon na lamang ang natitira sa pondo ng city government para sa pagsasaayos ng drainage system at iba pang infrastructure project.
Nagamit umano ang iba pang pondo bago pa ang May 14 elections. (Ulat ni Doris Franche)