^

Metro

Pagsasaayos sa mga kanal at sirang kalye, tiniyak ni SB

-
Tiniyak ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr. na isasagawa nila ang operasyon nang pagsasaayos ng mga baradong kanal at lubak-lubak na kalsada sa sandaling matapos na ang panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Belmonte, nagsisimula na silang magsagawa ng mapping-up operation upang matukoy kung aling mga kalsada ang dapat na isailalim sa rehabilitasyon at mga kanal na nagiging sanhi ng pagbaha sa ilang mga pangunahing lansangan.

Aniya, mas madaling gumawa ng mga pagsasaayos kung tag-araw.

Gayunman, idinagdag pa nito na kailangan pa ring maghanap ng sapat na pondo ang city government para sa naturang infrastracture project dahil ang P480 milyon na nakalaan sa pagpapagawa nito ay nagamit na ni dating QC Mayor Ismael Mathay Jr.

Ipinaliwanag pa ni Belmonte na P20 milyon na lamang ang natitira sa pondo ng city government para sa pagsasaayos ng drainage system at iba pang infrastructure project.

Nagamit umano ang iba pang pondo bago pa ang May 14 elections. (Ulat ni Doris Franche)

ANIYA

AYON

BELMONTE

DORIS FRANCHE

GAYUNMAN

IPINALIWANAG

MAYOR ISMAEL MATHAY JR.

NAGAMIT

QUEZON CITY MAYOR FELICIANO BELMONTE JR.

TINIYAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with