Mag-amang kinidnap, nasagip

Nasagip ng mga tauhan ng pulisya sa kamay ng kanilang mga abductors ang mag-amang Chinese-Filipino na iniulat na dinukot noong nakalipas na linggo.

Nakilala ang nailigtas na kidnap-victims na sina Jovet Tee, 41 at ang kanyang anak na si Genina, 7.

Ang mag-ama ay nasagip noong nakalipas na Lunes sa isang isang shopping mall sa Manila na doon itinakdang kunin ng mga kidnappers ang halagang P935,000 ransom buhat sa pamilya ng mga biktima.

Ang dalawa ay dinukot noong nakalipas na Agosto 8, malapit sa eskuwelahan ng batang biktima.

Bagamat narekober rin ng pulisya ang ransom money, nakatakas naman ang mga suspect. (Ulat ng AFP)

Show comments