Estudyante nadamay sa away ng 2 opisyal ng JODA, patay
August 16, 2001 | 12:00am
Isang 24-anyos na estudyante ang nasawi makaraang tamaan ng ligaw na bala buhat sa baril ng isa sa dalawang magkalabang opisyal ng Jeepney Operators Drivers Association (JODA) sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang nasawi na si Allan Semeniano, 2nd year BSBA student sa University of the East (UE) at residente ng Kanlaon St., Sta. Mesa Heights, Quezon City. Ito ay hindi na umabot pang buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tinamo nitong tama sa kanang sentido na naglagos sa kabila.
Samantala, sumasailalim sa masusing interogasyon ang suspect na nakilalang si Edilberto Llagas, 48, ng Tindalo St., San Antonio, Divisoria, Tondo.
Nabatid sa imbestigasyon na dakong alas-5:30 ng hapon kamakalawa nang maganap ang insidente sa may panulukan ng Mayhaligue St. at A. Rivera St.
Ayon sa paliwanag ni Ricky Mamucod, 40, pangulo ng JODA ng biyaheng Blumentritt-Divisoria na hinarang ng suspect ang kanyang sasakyan na ang isa sa kanyang pasahero ay ang nasawing biktima.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa suntukan nina Mamucod at suspect na si Llagas hanggang sa bumunot umano ng baril ang huli at ilang ulit na pinaputok.
Isa sa pinakawalang bala ng suspect ay tumama sa sentido ng biktima habang ito ay nakaupo sa dakong hulihan ng sasakyan.
Agad namang nadakip ang suspect na itinanggi ang pahayag ni Mamucod. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended