Mathay, anak inakusahan sa 'midnight land deal'
August 15, 2001 | 12:00am
Inakusahan ng Coalition of Homeowners Associations (COHA) sina dating Quezon City Mayor Ismael Mathay Jr. at anak nitong si dating Konsehal Bu Mathay at pito pang incumbent councilors matapos na imaniobra ng mga ito umano sa pamamagitan ng isang midnight land deal ang pagpapatayo ng isang Catholic School sa Quezon City.
Batay sa akusasyon ng grupo, inaprubahan umano ng mag-amang Mathay at pitong konsehal ang pagpapatayo ng Paref-Northfield School for Boys na pamamahalaan umano ng pamilya Mathay.
Sinabi ng COHA na ang Memorandum of Agreement ay pinirmahan ni Mathay noong Pebrero 28, 2001 at niratipikahan naman ng QC Council noong Marso 20, 2001.
Ang pitong konsehal ay kinabibilangan naman nina Vincent Crisologo, Jorge Banal, Julian Coseteng, Marciano Medalla, Eric Medina, Rommel Abesamis at Jesus Suntay.
Sa isang panayam kay Mathay, pinabulaanan nito ang naturang kontrata na isang midnight deal.
Aniya, tatlong taong pinag-usapan ng council at komite kung dapat na payagan o hindi ang pagpapatayo subalit wala naman umanong tumututol.
Hindi rin umano apektado sa itatayong private school ang mga nagrereklamong homeowners. Tutol lamang sila sa posibleng trapik na idudulot nito.
Sa kabila nito, sinabi naman ni Councilor Ariel Inton, chairman ng committee on Justice na kanilang ipatatawag ang mag-amang Mathay upang ipaliwanag ang naturang akusasyon. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended